...TAMI BALLESTEROS is an artist who has a big appetite for life. He is strong & determined to achieve his dreams. He overcomes challenges with finesse and class. He doesn’t need to be someone who achieved & possessed so much. He is happy just by knowing that he is able to live his life to the fullest -have fun, be happy, loving ,be romantic, laugh and cry with friends, be stylish or maybe be a bit crazy sometimes, to name a few, but most of all he is someone who is wise and spiritual enough to share the wonderful blessings he has in this short yet meaningful journey called life... Kudos to all of you ... :)

CLICK THE HEADER TO GO BACK TO THE MAIN PAGE :)


THIS WEBSITE IS POWERED BY:
TAMIBALLESTEROS.COM
your key to a beautiful life.


Thursday, June 21, 2012

FIGHT FIN

 Kamusta na ? tagal ko na rin hindi sumulat sa blog ko... pasensya na ha, naging busy ako...pero babawi ako now... susulat ako ng isang bagay na aking nalalaman, na alam kong makakatulong sa yo..... at yun ay, ang awayin mo ang sarili mo...

parang payo lang ba ng baliw no? haha....... siguro nga , kasi sa totoo nyan me pagkabaliw ako...inaamin ko yun... madalas sa minsan kailangan natin magpakabaliw, para makahanap ng lugar na mapagpapahingahan sa mga pagsubok ng buhay... and oo, ituloy tuloy mo na, awayin mo na rin sarili mo...pero di sa literal na paraan ha..wag mo sapakin o sabunutan na lang bigla sarili mo...masakit yun... ang ibig sabihin ko ay panahon na para gumising ka, at magalit ka sa mga masasamang mga bagay na ginagawa mo sa buhay mo.......

alam mo, di masamang magalit, as long as nagagalit ka sa masama at hindi sa mabuti... pagsabihan mo sarili mo na tama na umasa sa mga bagay o tao na nakakasama sa iyo... araw araw, me away na nangyayari sa loob natin di mo lang napapansin,... yun nga lang bumangon ka sa masarap mong pagtulog ay isa na matinding laban sa sarili... bukod dun ay may mga away tayo sa loob ng ating sarili, lalo na sa pagdedesisyon ng mga bagay bagay na may kinalaman sa puso...........

natahimik ka no?...kasi yun ang totoo...
araw araw lagi tayo lumalaban sa sarili natin......nilalabanan natin ang mga maling desisyon na naiisip natin..........dahil kapag nagpatalo tayo, masisira ang kinabukasan at mga pangarap natin sa ating sarili at sa mga sa mahal natin sa buhay....... madali kasing magpadala na lang sa mali....pero alam mo wala naman ibang aaway sa sarili mo ng matindi at pakikinggan mo sa bandang huli kundi ikaw........

ako nga sinasabi ko sa sarili ko TANGINA KA TAMI...punyeta ka!...marami pa pwedeng mangyari sa yo...pero ano yang mga kalokohan mo..........marami ka pang mga pangarap para sa yo at sa mga mahal mo....gago ka..tigil mo na mga masasama mo ginagawa....tama na magmahal ng mga tao na gagamitin ka lang at niloloko..... at kung ano ano pa......

oo masakit..parang baliw... pero dun KA LANG NAMAN MAGIGISING E..PAG INAWAY MO NA SARILI MO.... kasi tao lang tayo...at hindi sa lahat ng panahon, tama mga pinag gagawa natin...... masyado kang mataas kung tingin mo lahat ng ginagawa mo ay tama....tandaan mo pag masyado ka mataas, masakit ang lagapak..at pwede mo ikamatay...literally and figuratively.

subukan mo awayin mo sarili mo..at sigurado ako magigising ka , ng hindi puro pasa at bugbog...pero ng mas may pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili.

 -TAMI BALLESTEROS

2 comments:

Chinito Jalapeno said...

napadaan dito sa blog mo. interesting posts. keep it up!

-chinito.jalapeno

tami ballesteros said...

salamat!

Blog Widget by LinkWithin