...TAMI BALLESTEROS is an artist who has a big appetite for life. He is strong & determined to achieve his dreams. He overcomes challenges with finesse and class. He doesn’t need to be someone who achieved & possessed so much. He is happy just by knowing that he is able to live his life to the fullest -have fun, be happy, loving ,be romantic, laugh and cry with friends, be stylish or maybe be a bit crazy sometimes, to name a few, but most of all he is someone who is wise and spiritual enough to share the wonderful blessings he has in this short yet meaningful journey called life... Kudos to all of you ... :)

CLICK THE HEADER TO GO BACK TO THE MAIN PAGE :)


THIS WEBSITE IS POWERED BY:
TAMIBALLESTEROS.COM
your key to a beautiful life.


Tuesday, June 26, 2012




gluttony fin

Kasalanan... yan ang isang salitang akala mo madali ipaliwanag pero hindi pala...

sa simpleng paraan, ang kasalanan daw ay ang pag gawa ng mali,..pero ano ang  mali? ..

sa simpleng paraan ang mali..ay ang di pag gawa ng tama...

so sa madaling salita ang KASALANAN ay ang di pag gawa ng tama.



Sana ganun na lang kadali lahat...pero alam mo ba kung ano nagpapagulo sa kung ano ang KASALANAN?
yun ay ang depinisyon natin sa kung ano ang TAMA.

marami na akong nakasalamuhang tao, baluktot ang pag iisip...para sa kanila, 
ang mali ay nagiging tama basta may PERA.

may mga tao na nagiging tama ang mali, basta napagbibigyan ang tawag ng laman.

may iba naman nagiging tama ang mali, dahil dun nagiging popular sila at mas minamahal ng maraming tao...
kesehodang ipagpalit nila ang kanilang mga prinsipyo...


sa kabilang kamay, may mga TAMA naman na ginagawa, na pinipilit gawing mali ng ibang tao na makitid ang pag iisip...


minsan pa nga nagmamahal ka lang ng tapat at gumagawa ka lang ng mabuti, ikaw pa ang paparusahan...


Masyadong malawak ang sakop ng tama at mali...

at maraming nagagawang excuses at alibis ang tao para ituwid ang baluktot.


Mahirap sya ipaliwanag...


Pero nararamdaman ....naamoy ng ilong ng kaluluwa natin at nalalasahan ng ating mga damdamin...


MABAHO ang kasalanan, nakakasulasok...........NAKAKASUKA ang lasa ng kasalanan...

akala mo sa una masarap pero yun pala lalasunin ka na....


ang KASALANAN , puputulin ang hininga mo... ang dati mong maluwag na pag hinga ay sisikip at unti unti kang papatayin...

Yan ang kasalanan para sa akin...naninira...pumapatay.....
Para syang bomba na nakabalot na akala mo na napakagandang regalo.

kahit bigyan ka pa ng pinakamagagandang excuse para sa isang KASALANAN ...malalaman  at mararamdaman mo pa rin na mali ito....

Kaya huwag mo sya subukang ipaliwanag at ipalusot...dahil nadarama ng buto mo at kaluluwa ang sama na dinudulot ng kasalanan kahit anong tago ang gawin mo.


-TAMI BALLESTEROS


2 comments:

Anonymous said...

aba si jeff pa un model mu jan ah! bagay sa kanya un post mu hahaha

paki kamusta n lng sa knya from his ex D_ _ _

Chubby said...

Kakatapos ko lang panoorin yung Showboyz, ang pogi mo don! haha! anyways, kuya tami you're such a great writer, hindi sya komplikado at hindi pasikot-sikot yung sinasabi, parang direct to the point ba, I'm a blogger also, sa tumblr nga lang, feeling ko babalik-balikan ko tong blog mo, galing mo magsulat, Grabe =)))

Blog Widget by LinkWithin