...TAMI BALLESTEROS is an artist who has a big appetite for life. He is strong & determined to achieve his dreams. He overcomes challenges with finesse and class. He doesn’t need to be someone who achieved & possessed so much. He is happy just by knowing that he is able to live his life to the fullest -have fun, be happy, loving ,be romantic, laugh and cry with friends, be stylish or maybe be a bit crazy sometimes, to name a few, but most of all he is someone who is wise and spiritual enough to share the wonderful blessings he has in this short yet meaningful journey called life... Kudos to all of you ... :)

CLICK THE HEADER TO GO BACK TO THE MAIN PAGE :)


THIS WEBSITE IS POWERED BY:
TAMIBALLESTEROS.COM
your key to a beautiful life.


Share |

Tuesday, January 17, 2012


kamusta na idol?
...yan ang palaging bati sa akin ng marami...at tuwing naririnig ko yan...
lagi ko naitatanong sa aking sarili..paano ako naging idol ng mga to?...

paano nangyare yun? e andami dami dami ko kapalpakan sa buhay na ito.

Anjan ng pumalpak ako sa trabaho, natanggal na kaya ako maraming beses...haha di lang talaga ako matanggal tanggal sa photography business and arts ko, e syempre ako may ari nun e.

Pati sa love life, nakailang break ups na yata ako.Marami na ring umiwan sa akin kahit loyal akong partner.. dumating na rin sa buhay ko na nagmamakaawa na ako mahalin at huwag iwan...parang mga drama lang ni dina bonnevie at maricel soriano...Natatakot na nga ako baka yung dalawang aso ko na lang makasama ko pag tanda...(knock on wood :))

Sa pera, ayun...andaming mga times, marami ako pera, tapos gagastahin ko rin ng bonggang bongga....one day millionaire ... me mga times na ultimo laman ng alkansya ko susungkitin ko para lang me panggastos ako...minsan nababaon rin ako sa utang... buti nga naaayus ko rin.

Sa pamilya...ayun...mejo malungkot din kasi hiwa hiwalay kami magkakapatid, at wala na rin ako tatay...tumatanda na rin mama ko..kaya eto ako natataranta na ren...na sana bago sya lumisan sa mundo, maibigay at maiganti ko sa kanya yung pag aalaga at pagmamahal nya sa akin...kahit lagi kami nag aaway ng nanay ko mahal ko pa rin sya.
Pamilya namin hindi pang poster card.Mejo magulo at watak watak...

Sa sarili ko, marami pa rin ako insecurities...May mga bagay pa rin ako kinaiinggitan..

na sana meron ako nito meron ako nyan...pero di bale na lang kung sa masamang paraan ko makukuha...

Nagka bisyo na rin ako noon na umapekto sa health ko.. like inom at droga at yosi..pero tinigil ko na un lahat...saglit lang na yugto yun..at ayoko na balikan pa.

Yun nga, magbalik tayo sa salitang idol...sa tuwing iniisip ko kasi yun... ang naiisip ko dapat ang ini-idol yung mga susccessful na, sobra yayaman...superstars, celebrities...perfect lives...alam mo yun.mga ganung leveling...

Pero naisip siguro kanya kanya nga talaga yan, me mga tao na gusto maging idol ang isang tulad ko na simple.Me mga pangarap, at mga pagsubok tulad ng mga normal na tao...ung baliw baliwan din minsan...

Naisip ko ren na kaya siguro may mga uma-idol sa akin is dahit tapat akong tao.Kung ano ako, pinapakita ko at sinasabi ko. At siguro iniidol ako ng mga tao dahil lagi ako tumatawa at nagpapatawa, kahit ako mismo may mga sakit na nararamdaman..

Minsan pa nga ayoko ng bumangon...Iniisip ko na sana baligtad na lang, yung panaginip ko na lang yung totoo, at yung realidad na lang yung panaginip. Pero hindi ganun ang buhay e, kailangan tayo bumangon at harapin ang mga pagsubok...di kasi yun mawawala kahit matulog ka pa ng kasing haba ni sleeping beauty.

Ang galing nga naman ng buhay no? Sa totoo lang kung idedescribe ko sa words ang nararamdaman ko..eto yun---basag basag na ako at durog durog, Di na rin bago at luma na rin masasabi...pero bawat piraso ng durog kong pagkatao ay lumalaban at nagmamahal pa rin sa buhay.

At sa bawat pagmamahal na binibigay ng mga tao sa akin, unti unti uli ako nabubuo, pero hindi na bilang ako lang... pero..Bilang isang napakagandang parte ng isang mundo na may pagmamahal.

....salamat mga idol.

9 comments:

Anonymous said...

nice blog...

Anonymous said...

Inspiring blog! naramdaman ko lahat ng mga sinabi mo galing sa puso :) -B-

tami ballesteros said...

thank u po...keep on reading my blog. :)

danjiemar said...

Sabi mo hindi mo alam kung bakit Idol ang tawag sayo, simply lang naman yan eh, yun ay marahil kompleto ang sangkap ng buhay mo, iniidolo ka dahil sa lahat ng pagsubok na nadaanan anjan ka pa din at nakatayo. Ako alam ko kung ano lahat ng napagdaanan dahil nagpadaan at nadadaan ko pa rin. Lagi ko ngang tanong sa sarili ko bakit,,mabait naman ako ibinibigay ko naman lahat ng kailangan pagnamahal ako, pero lagi pa ring kulang,,,ginagawa ko lahat ng kaya pero di pa rin sapat. Nakakapagod na rin ang magmahal at masaktan pero kailangan para mabuhay. madalas kailangan kong masaktan dahil mahal ko, dahil lagi na lang kaligayan nila ang nasa isip. Kaya ngayon di ko na tuloy alam kung papaano nga ba pasayahin ang sarili ko. Alam ko me kulang me hinahanap ako sana lang ay meron pa akong sapat na panahon para makilala ko sya,, at sana tulad mo rin cya na matapang at may lakas ng loob na harapin ang buhay gaano man ito kahirap...Ngayon alam muna kung bakit ka Idol sa mga taong nagkaroon ng maraming pagsubok..

tami ballesteros said...

wow. touched naman ako run. salamat!

Mark Stephen said...

Wow! Great life story, na touch ako ah, hope you can reach the highest goal in your life...Congrats Bro. God bless!

Philip Mar Sistona said...

Ganda ng pagkaka plot ng blog. keep it up idol.

dennis09486649484 said...

wow na inspired naman ako sa blog mu..i hope na sana magkita tau,at makakwentuhan kita..

dennis09486649484 said...

tami,pag nabasa mo to,do me a favor to talk with me..le ok with you.

Blog Widget by LinkWithin