Sunday, September 11, 2011
Siguro nagtataka kayo bakit ganyan ang title ng blog ko ngayon....
Ganyan yan,kasi nababaliw na ako...at kung ano ano na lang ang gusto kong sabihin...
joke lang...
ang totoo nyan..yan ang mga simpleng pagkain na gustong gusto ko....
hanggang ngayon...dahil malapit sa puso ko ang mga alaala ng mga simple ,mura, pero masasarap na pagkain na yan dito sa pinas....
Banana cue...gustong gusto ko to, kasi madalas dalawang saging na saba na pinrito na nababalutan ng asukal ang nakatusok sa iisang stick. minsan pa nga pag sinuswerte,tatlo..:)..lagi ko naalala ang mga tao na hinahatian ko nung isa sa dalawang pirasong saging na yun..na nagbibigay ng saya...ung pamangkin ko na mahal na mahal ko, si mama,mga kamaganak, yung aso ko na sobra takaw,at mga kaibigan ko at mga ex ko na minahal ko...at sa tuwing kumakain ako muli ng bananacue, lagi ko naalala na dalawa yun saging dun, para matuto kang magbigay ng kung anu mang meron kang biyaya sa buhay, kasi andun ung totoong saya....
Polboron... naranasan mo na ba sumipol habang me pulburon sa bibig...haha..nakakatawa di ba?saka masarap. :)
pag kumakain ako ng pulburon,lagi ko sya minamasdan, muka syang buo pag nakabalot pa, pero pag binuksan mo na,dapat dahan dahan at maingat mo rin syang kakainin, kasi konting hawak lang, nadudurog na...pwedeng matapon, liparin at masayang.... at sa tuwing kumakain ako ng polboron...naalala ko kung gaano kahalaga pahalagahan ang pagtitiwala sa yo ng isang tao....
tulad ng polboron oras na masira mo to, mahirap na ibalik sa dati nang porma, kaya dapat mo ingatan ang tiwala sa yo ng mga nagmamahal sa yo para mapakinabangan at di masayang.
Adobong mani....me pagka adik ata ako sa mani e, kasi tuwing me nagbebenta ng mani, di pedeng di ako bibili...lalo na ung bagong luto, sabi kasi ng titser ko noon pampatalino yun...
baka nga dahil dun kaya ako matalino haha...pero alam mo ba na ang mani rin kahit konti ,nakakabusog agad..totoo yan kahit iresearch mo pa sa google...
naalala ko nung bata ako, para mas makatipid ako sa baon ko, bibili muna ako ng mani, para..mabusog agad ako at di ako bibili ng kung ano anong tsitsirya at laruan na di ko naman talaga kailangan....
Kaya siguro hanggang ngayun matanda na ako, bumibili ako lagi ng adobong mani...para lagi ko iniisip kung ano ang mas mahahalaga sa buhay...
yung limang pisong mani, nagpapaalala sa akin, na di sa maraming maraming pera, ang kailangan ko para makuntento...
tama nga siguro si titser, nakakatalino yung adobong mani...
kasi kada me hawak ako nun, lagi ko iniisip na maraming magagandang bagay sa mundo na kahit hindi mahal ay yun ang mas mahalaga....tulad ng mga tunay na na nagmamahal sa atin, dahil un ang tunay na nagpapabusog ng puso...tulad ng pagkabusog ko sa limang pisong adobong mani...
banana cue, polboron at limang pisong adobong mani. Simple man ito pero masarap....at makatikim man ako ng pinakamamahal na pagkain sa buong mundo,di ko ito ipagpapalit..dahil malapit ito sa puso ko..at sa mga naituro nito sa akin ...at sana sa iyo na rin....
at isang magandang awit para sa magagandang alaala ...:)
Labels: food, insight for the day, music, tami ballesteros
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
kakatuwa
penge naman.. Nice realization Tami.. Had fun reading it.. You were right simple food lang sha but it's masarap.. I remember tuloy nung college days, I love chicken balls and kwek-kwek kahit na nagagalit si daddy kasi the sawsawan is smelling sa car,, but i dont mind at all.
Tami banana is good for the heart din kaya nga nagiging happy ka once you eat it.. lalo na if it's banana cue kasi may sugar,. then sa mani, i like the maanghang with no balat.. thanks for the info na nakakabusog sha.. i didnt know.. Polvoron naman nung bata ako i love blowing it on other people's faces,. haha hmmm you were right, wag nawala na trust, hirap na ibalik..
haha melle. napatawa mo ko...u blow polvoron on people.!
this one made me smile...you're awesomely right on your point that most of the time what will really make us happy are those simple-non-expensive things...this reading reminds me of how happy life can be if we will just believe that happiness is just a quality of mind and the most important things in life are not material things or anything that money can buy but....PEOPLE.
Post a Comment