...TAMI BALLESTEROS is an artist who has a big appetite for life. He is strong & determined to achieve his dreams. He overcomes challenges with finesse and class. He doesn’t need to be someone who achieved & possessed so much. He is happy just by knowing that he is able to live his life to the fullest -have fun, be happy, loving ,be romantic, laugh and cry with friends, be stylish or maybe be a bit crazy sometimes, to name a few, but most of all he is someone who is wise and spiritual enough to share the wonderful blessings he has in this short yet meaningful journey called life... Kudos to all of you ... :)

CLICK THE HEADER TO GO BACK TO THE MAIN PAGE :)


THIS WEBSITE IS POWERED BY:
TAMIBALLESTEROS.COM
your key to a beautiful life.


Share |

Monday, August 8, 2011


kamusta ka na pa?

alam mo, matagal na gusto kausapin kahit noon nabubuhay ka pa,
pero di pa ako ganun ka mature noon para sabihin ng maayus nilalaman ng puso ko...

inaamin ko galit ako sa yo noon..
kasi pakiramadam ko pinabayaan mo kami... si mama ko...at dalawa ko pang mga kapatid...
di kita nakasama ng matagal , at hindi rin kita masyado kilala...
pira piraso lang ang ala ala ko sa yo, yung karamihan disappointments pa...

wala masyado pagkakataon kasi ke tita ako tumira ng matagal
simula ng kinder hanggang magbinata na ako...kasi kinakapos kayo noon...
alam mo, malaki hinanakit ko sa yo...kasi di mo nakita panu ako natuto magsintas ng sapatos...
di mo nakita kung panu ako unang natutong mag bike, at sumemplang...
di mo nakita ung mga panahon na sinabitan ako ng medalya sa iskwela...
wala ka nun para protektahan ako..wala ka nung una ako nakagat ng aso....wala ka noon para maging sandalan ko pag nanghihina ako nung bata ako...
rason mo lagi ka me trabaho,... bakit ganun ...laging kulang...laging laman ng bulsa mo noon, tiket ng karera ng kabayo at pag uuwe ka amoy alak ka palagi...
mas importante ba yun kesa sa akin?...di naman kailangan maraming pera para maging masaya tayong pamilya di ba...
parang andyan ka noon pero parang wala rin...

di pa man kita nakikilala , at bata pa ako noon...kinuha ka na ni Lord....
sorry Papa ha..pero di ata masyado tumulo luha ko noon...kasi parang stranger ka sa buhay ko...
akala tuloy ng mga nakakakita wala akong pagmamahal sa yo...

Pero alam mo Papa, sa totoo lang sobra nasasabik ako noon sa ama...
Pag bakasyon noon, lagi ko inaabanagan na sunduin nyo ako para magbakasyon sa totoo ko pamilya..baligtad no? nagbabakasyon ako noon sa atin at nakatira ako ke tita....lagi ko ginagalingan para maging proud kayo sa akin...kasi iniisip ko na kada sabit sa akin ng medalya...baka isang araw umattend ka na para ikaw naman ang magsabit sa akin nun...

pero di nagkarun ng pagkakataon..andami ko gusto ishare na experience sa yo papa.


pero ngayon na mas matanda na ako...pinapatawad na kita..
Alam ko na me mga bagay ka na hindi maipaliwanag, na sa kahit sa sarili mo di mo maipatindi...
Natutunan ko na yan..kasi napagdaanan ko ren...mas lumawak na pang unawa ko...

Papa kung nababasa mo to dyan sa langit... gusto ko sabihin na salamat pa rin.
kasi kung wala ka naman wala rin ako sa mundong ito.Syempre salamat din sa kagwapuhan na pinasa mo sa akin..kapal no? ....salamat din at dahil din sa yo naging matibay akong tao at sa maagang edad natuto ako lumaban.

Hindi ko alam mga pinagdaanan mo...pero papa, tandaan mo
na kahit hindi tayo nagkasama ng matagal...yung apelyido na pinasa mo sa akin..gagawin ko rin respetado. At ngayon nasa langit ka na...sa bawat tagumpay ko, inaalay ko sa yo.
Alam ko naman na bawat kabutihan na nagagawa ko kayo ni God, sinasabitan nyo ako ng invisible na medalya..

Alam ko na rin me mga paghihirap ka rin na napagdaanan ,sino ba wala?..kaso nilihim mo...hindi mo sinubukan ipaintindi...matalino ako papa. alam yan ng maraming tao...
bakit parang di mo alam yun...sana pinaliwanag mo...promise...kaya ko unawain...pero...
Di ko na malalaman yun..at ayoko na rin alamin..tapos na rin naman...basta sa puso ko...pinapatawad na kita.
Mahal kita. Kung katabi mo ngayun si God pakibulong na lang sa kanya na bigyan ako ng lakas para buoin mga pangarap mo para sa pamilya natin, ako na lang tatayo sa mga responsibilidad na naiwan mo. Kakayanin ko yun Papa.

Papa.isang araw magkikita rin tayo dyan sa langit...at yayakapin kita...at sasabihin ko sa yo na okey na lahat.
Di man kita nakilala ng lubusan, pero ng dahil dun mas nakilala ko sarili ko. salamat.









9 comments:

Anonymous said...

kakaiyak...

wtsrudi said...

this is very HEARTWARMING & LOVELY.... am sure he has read it....

made me miss my Dad, whiom I have lost a few years back, too....

tami ballesteros said...

salamat for reading wtsrudi..kip comin back... :)

Anonymous said...

almost the same nanyari sa kin..pero d k kc naipadama sa papa ko luv ko para sa kanya when he was still alive =(.. thanks for sharing..

Pejo said...

very well said

-rhandy- said...

salamat sa blog mo na to tami,,,

i will love my papa more,,,

God bless and more power,,,

zephaniah said...

I love how you love your dad so dearly even though you didn't get the chance to know him more because you grew up in a different home.
When my mom died I never made a letter for her. When I read this article that you wrote it made me realize that I want to write a long letter for my mom who passed away, who took the pain/suffering from illness for years wanting to be with us. She fought hard until God wanted to take her because He doesn't want to see us hurting se our mom suffering like that. I will write the words I should have said to her. I lost my mom last January. And I miss her so much

Eric said...

Thanks for sharing. Made me miss my dad more.

Anonymous said...

:-( bgla kong nmiss papa ko.".....

Blog Widget by LinkWithin