Monday, August 15, 2011
Sa buhay natin maraming kahulugan to...
Pwedeng nilisan mo ang isang lugar , isang bahay, mga bagay, tao, pangyayari , o mga alaala...
Pero kahit ano pa sabihin... parang ang hirap lisanin ang mga nakasanayan no?...
lalo na at natuto mo na itong mahalin...at nakabuo ka na ng maraming mga magagandang alaala at mga pangarap kasama nila...
Pero kaparte na to ng buhay, para tayo ay maging mas matatalino , mas mapagmahal at mabubuting mga tao...
minsan tayo ang lilisan at minsan sila ang lilisan...at kailangan natin ito tanggapin.
Kailangan matuto tayo lumisan sa mga bagay na tapos na sinasadya man o hindi...
Maraming rason bakit tayo lumilisan...
May mga bagay at pangyayari na dapat na nating lisanin, lalo pa at di na nakakabuti sa atin ang mga iyon..Parang isang bahay na nasusunog at nasa loob ka, kailangan tanggapin mo na kung di mo yun lilisanin kasama kang matutupok,...kasama ng mga pangarap mo...
May mga tao na dapat mo lisanin... Minsan sila pa ung mga napalapit na sa yo...
Hindi dahil sa masama kang tao o masama sila, kundi dahil sa sitwasyon, nangangailangan na maglayo kayo ng landas para matuto nyo mapahalagahan ang isa't isa....na di niyo mauunawan dahil masyado kayo magkalapit at di nyo nakikita ang mas malaking larawan...kung saan marami pa palang maganda bukod dun sa nakikita mo pag malapit kayo sa isa't isa...at nababalewala...
May mga magagandang alaala na dapat na muna nating lisanin para makausad tayo sa buhay...
May mga tao rin na lilisanin tayo, sinasadya man o hindi, pero hindi mo na para pa ipilit ang sarili mo,dahil lahat ng paglisan ay may importanteng dahilan at dapat marunong makadama ang puso mo kung bakit yun nangyari...
Magkaiba ang paglisan sa paglimot.
Tulad mo, marami rin akong minahal na mga lugar , bahay, mga bagay, tao, pangyayari , at mga alaala...
Masakit man iwan pero kailangan tibayan ang loob para harapin ang mundo at matuto...
Isang araw...ang mga bagay na nilisan natin..ay muli nating babalikan...
at sa mga oras na mas malinaw na ang ating mga puso at damdamin...
malalaman natin na ang ating mga nilisan...at ang ating mga pinuntahan... ay ibabalik tayo sa iisa lang na direksyon..
eto ay ang matuto tayong humingi ng tawad, ...magpatawad...
...at magmahal ng wala ng paglisan.
-TAMI
Labels: insight for the day, tami ballesteros
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
touching...
bravo! looks and brains =tami
sobra naiiyak ako tuwing binabasa ko to...kahit paulit ulit tumutulo luha ko...ksi sobrang tumatama s puso...
nice tami!
I WILL ALWAYS LOVE YOUR WRITING TAMI
Post a Comment