Friday, July 29, 2011
Ako si Prince,Araw araw ako sumasakay ng MRT papunta sa trabaho ko sa Quezon Ave. Sa Magallanes station ako sumasakay,tulad ng ibang ordinaryong mga tao, para maiwasan ang napakatrapik na kalsada, e mas pinipili ko na ang mapipi sa mala sardinas na siksikan sa mrt para makarating sa pupuntahan ko....sabayan mo pa ng escalator na di umaandar para sabay na rin ang leg exercise. Tapos pipila ka ng mahaba para sa tiket samantalang me naglalakihang ticket vending machine na nakadisplay dun na di naman gumagana. Benta nyo na lang kaya yan sa magbabakal...
Pero di naman araw araw siksikan sa mrt...me mga panahon maluwag naman...
lalo na yung mga araw na walang pasok...tulad ngayon Linggo...haaay
...nakaupo rin ako..kay sarap sarap ng pakiramdam sa puwet at di ka nakatayo ng pagkatagal tagal habang bitbit at yakap ang mga gamit mo sa takot mo na wag manakawan o mahipuan. haha..
yun nga, habang nakaupo ako at minamasdan ang mga magagandang tanawin sa edsa...hmmm teka meron ba?....well meron pa naman..tulad ng mga malalaking billboards.hehe.
pero di yun ang pinakamaganda, ....kasi pagbukas ng pinto sa Buendia station, ....
sa di sinasadyang pagkakataon... nakita kita......
Parang anghel na bumaba sa lupa....parang sa pelikula...biglang nag slow motion lahat...at biglang me background music kahit wala naman...
ang ganda mo... ang iyong buhok, ang iyong balat....ang yong mga mata na parang mga bituin...
mejo me konting katabaan pero pwede na...di na ako choosy...kasi iba ang dating mo...sa araw araw na ginawa ng Diyos di ako nakakatagpo ng isang katulad mo.
Tumabi ka sa akin.Sheeeet. ewan ko ba kinilig ako ng bonggang bongga. Sa loob loob ko
Dyos ko ano po ba ang nagawa kong mabuti para biyayaan mo ako ng ganito kagandang nilalang..
At ang bango mo..amoy baby,hmmmmm...
At habang kunyare di ako apektado sa mga nangyayari, umaakting na normal lang,kahit ambilis bilis na ng takbo ng puso ko, sabay naman ako nag iimagine... ano na kaya kung maging tayo na...
siguro masarap ka rin magmahal tulad ko,....at masarap siguro ang iyong mga halik kasi maganda ang iyong labi...
sabay lingon mo sa direksyon sa akin.me nakita ka ata billboard ng na nakabrief lng na model.... at ako naman sabay din lingon sa iba para di halata. (sabi ko shet, sana di nya nakita na muka ako obsessed fan na nakatitig kanina)...
ayun nga..tinuloy ko pa rin ang aking pangarap nung di ka na nakatingin...san kaya tayo titira?
ilang anak ba gusto mo? ano mga names nila? gusto ko me aso rin tayo ha...pero gusto ko maliit lang para maliit lang din tae nila para madali pulutin...ano kulay ng bahay natin?..san mo gusto magcelebrate ng golden anniversary natin?...basta pangako ko gagawen ko lahat para mapasaya ka...nandito lang ako para sa yo.......haaaaaaaaay.....haaaaaaayyyyyyyy.....at isa pang haaaaaayyyyyyyyyy....an sarap mangarap kasama ka...
ilang anak ba gusto mo? ano mga names nila? gusto ko me aso rin tayo ha...pero gusto ko maliit lang para maliit lang din tae nila para madali pulutin...ano kulay ng bahay natin?..san mo gusto magcelebrate ng golden anniversary natin?...basta pangako ko gagawen ko lahat para mapasaya ka...nandito lang ako para sa yo.......haaaaaaaaay.....haaaaaaayyyyyyyy.....at isa pang haaaaaayyyyyyyyyy....an sarap mangarap kasama ka...
di ko na namamalayan na nakangiti na ako mag isa. Pero ano ba pakialam ko sa mga tao? basta ako masaya...anjan ka, andito ako, nagmamahalan....haaaaaaaayyyyyyy.
Sabay pak! me narinig ako nagsalita....."Welcome to Ortigas station, welcome to ortigas station, maaring paraanin muna natin ang mga lumalabas bago tayo e pumasok...ortigas station...ortigas station.."... at bago pa man ako maka react ng maayos sa mga nangyayare, habang naguunahan mga tao makalabas sa ortigas station ortigas station at ibang tao naman e pasakay, e sya namang tayo mo....
sabi ko sa sarili ko nooooooooooooooo!!!!! (na me pagka slow motion din pero sa isip lang ha...)...
ayun..nagulo na utak ko sabi ko shet pano ko ba sasabihin na magpakasal na tayo...este ....pano ba kita makikilala, pano ko sisimulan? ano ba words na gagmitin ko na di ka mayayabangan,...ano ba klase ng ngiti gagamitin ko? ung pang mister pogi ba o yung pasweet lang? ano ano ano...ano...at isa pang pahabol na ano.
pero wala ren...nakita ko na lang nakalabas ka na...at nagsara ng ang pinto ng mrt...at unti unti na lang lumayo ang mrt kasama ng mga pangarap ko para sa atin.... habang ikaw naman e naglalakad habang hinahanap mo yung mrt card mo...kitams.? pati yun napansin ko...ganun kasi kita kagusto....ayun paliit ka ng paliit sa paningin ko habang lumalayo ang mrt ..naging kasing liit ng dwende......sing liit ng isang piraso ng magic sarap..naging kasing liit ng langgam...ng molecule..ng atom....hanggang sa wala na....
sad...andami ko pa naman pangarap...para sa atin...para sa mga magiging anak natin....alam mo..sayang...kasi ako na siguro ang pinakamapagmahal at loyal na poging tao na makikilala mo...
bakit kasi d mo ko binigyan ng atensyon..wala akong ka-ide idea san kita uli makikita..sana man lang iniwan mo id mo kahit ung di na valid..kahit atm mo na walang laman d naman ako magnanakaw, ine name search na lang kita sa facebook...kahit ano basta maramdaman ko na me pag asa sana...e kaso wala...oh well..baka ganun nga talaga...
baka sa MRT ng pag-ibig minsan me makakasabay ka , pero di kayo nakatadhana sa iisang destinasyon. pero malay mo sa susunod na biyahe meron na...
Ako si Prince. sa susunod na sakay mo sa MRT pansinin mo rin ako ha?...
baka kasi di mo pa alam yung binabalewala mo e ang pagkakataon mo na,
na mahalin habangbuhay...
++sa MRT ng pag-ibig.++
(fictional story by Tami Ballesteros)
Labels: insight for the day
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
super nice
ganda!
it was a nice story.. goodjob tami..
hope to see again..
Post a Comment