Saturday, August 27, 2011
Tag ulan na naman...Ano nararamdaman mo pag umuulan? ....
Iba iba kasi pakiramdam ng tao pag naulan...may iba masaya kasi walang pasok, iba malungkot kasi di makagala o di matutuyo agad ung sinampay, ung iba naman nabubuwisit kasi di matuloy tuloy ang gimik...ako naman gusto ko nakikinig ng love song habang nakadungaw sa bintana para kunyare nagawa ng mtv...haha...korni .
iba iba reaksyon ng tao sa ulan.... may kanyang kanyang dahilan bakit iba iba ang emosyon natin sa ulan...
Sabi nila umiiyak daw ang langit pag naulan....
At sa palagay ko totoo yun...
Dahil kapag tayo ay lumuluha tulad ng ulan, gumagaan at lumilinis ang ating pakiramdam...
Tulad ng ulan, nililinis nya ang hangin at kapaligiran.
Tulad ng ulan, minsan ang luha malakas ang buhos, sa sobrang sakit siguro ng nararamdaman, yan tuloy nagkakagulo gulo ang paligid. apektado di lang ang lumuluha kundi pati ang mga tao sa paligid nya... at di nagiging maayos ang sistema ng lahat sa mga panahon na yun...pero humuhupa rin naman...kasabay ng paghupa ay mga mahahalagang leksyon sa buhay na ating dapat ng matututunan para wag na maulit ang sakit...
Tulad ng ulan, ang luha di napipigilan, kahit gawen mo pa ang sun dance ni sarah geronimo at magmukha kang tanga... haha... Paraan yan ng Diyos, para ipaalam, na di lahat dapat natin kayanin. Paraan nya yan para sabihin sa atin na hindi niya tayo nakakalimutan at nakikita nya ang laman ng ating puso...mabuti man yan o masama.... Dahil sa ulan lumilinis ang hangin para makahinga tayo muli ng maluwag...
muling umuusbong ang mga halaman, nadidiligan ang mga puno, nagkakarun muli ng tubig ang natutuyong ilog o sapa kung saan marami ang nakikinabang....
Parang sa pagluha, dinidiligan muli nito ang tigang at tuyo nating damdamin.Para ipaalala na tao lang tayo at may Diyos na handa tayo tulungan at paalalahanan... dahil sa pagluha nalilinis uli ang ating mga puso at nababawasan ang mga sakit na nararamdaman... Sa Pagulan ng luha nadidiligan ang puso natin para dun uli umusbong ang punla ng pagibig, sa sarili natin at sa ibang tao....
Ang ganda di ba? May natural na paraan ang kalikasan at ang ating emosyon para hugasan at buhayin ang mundo natin sa loob at labas... Maganda ang pag ulan kung lalawakan mo lang ang isip mo...
Kaya ngayun alam nyo na ibig sabihin ni bamboo ng rivermaya na isa sa paborito ko...
"...sinong di mapapasayaw sa ulan..."
tara! sayaw tayo sa ulan....:) -tami ballesteros
Listen to the great song by Rivermaya entitled ULAN here:
Have a great day everyone.:)
Labels: insight for the day, music
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
cute story
Post a Comment